ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ni Gari Escobar na sasabak siya sa gaganaping Korea-Philippines Friendship Fashion Week, na magaganap sa November 5 to 9, 2021.
Sambit niya, “Rarampa rin po ako, gusto ko kasing ma-experience lahat.”
Virtual ba iyan or may actual na fashion show talaga? Tugon ni Gari, “Actual fashion show po ito talaga, pupunta rito sa ating bansa ang mga Korean models.”
Ipinahayag ng mahusay na singer/songwriter na bagong challenge sa kanya ang pagiging modelo sa ganitong event.
Saad ni Gari, “Bagong challenge po ito sa akin, itong pagrampa. Marami pa kong gustong gawin kuya, isa lang iyang pagrampa, hehehe. Gusto ko rin kasing umarte sa harap ng camera, mag-direct, mag-produce ng pelikula in the future.
“Kumbaga, hinahanap ko kung saan ako pinaka-mag-e-enjoy. Kung saan pinakalalabas ang creativity ko.”
May experience ba siya sa pagrampa? “First time ko ito kuya. Natuwa ako, kasi first time at excited din ako sa magiging experience ko rito,” sambit niya.
Nakatawang saad pa niya, “Napipilitan akong mag-diet dahil diyan, hahaha.”
Ang Korea-Philippines Friendship Fashion Week ay hatid ng Side M Entertainment, ACC Entertainment, at JD Academy sa side ng Korea. Sa Philippine side naman, ito ay handog ng Supremo Productions Inc., ATC Channel 31 Online Network, at Mulat Media.
Si Miko Villanueva ang Project Director/Executive Producer ng proyektong ito.
Narito ang schedule of activities ng naturang event:
Nov. 4 – Arrival-11am or 10pm, Nov. 5 – Accomodation interview with press people-12noon, Nov. 6 – Street Fashion Week at Luneta 4-5 pm, Nov. 7 – beach resort with photographer and videographer, Nov. 8 – SM North K-P Fashion Show Entertainment Stage – photo opportunity/autograph signing (optional), at Nov. 9 – Skydome Major/Main Fashion.