Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tito Sotto
Tito Sotto

Tito Sen subsob sa trabaho kahit birthday

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SUBSOB pa rin sa trabaho si Sen. Tito Sotto kahit may espesyal na okasyon. Birthday kasi niya noong nakaraang lingg pero hayun at work to death pa rin ang Senate President na binati ng kanyang dabarkads at ‘partner’ na si Senador Ping Lacson.

Si Tito Sen kasi iyong taong ‘pag trabaho, trabaho talaga kaya hindi nakapagtataka kung bakit siya ang piniling bise presidente ng tatakbong pangulo na si Ping sa 2022 national elections.

May session noong araw ng birthday ni Tito Sen kaya dumalo pa rin ito at binati na lang ng mga dabarkad ng Eat Bulaga habang nasa opisina siya.

Siyempre, damang-dama ang pagmamahal ng dabarkads kay Tito Sen, sa pangunguna nina Bossing Vic Sotto at Henyo Master Joey de Leon. Bumati rin kay Tito Sen ang mga anak niya at anak ni Vic na si Pasig Mayor Vico Sotto at Tali.

Iiisa ang hiling nila kay Tito Sen na 73-taong-gulang na pala, ang maging malusog ang katawan, ligtas sa sakit, at makamit ang mga pangarap at patuloy na pagsisilbi sa mga tao. Malamang na kasama rin doon ‘yung ‘pangarap’ ni Tito Sen na maging Tito Vice uli—vice president.

Makikita naman sa pagbati ni Sen. Ping ang closeness nila ni Tito Sen na tinawag niyang “partner.” Ang mga tunay na tropa o magbabarkada kasi, walang drama ‘pag nagbabatian pero dama mo ‘yung sensiridad ng mensahe.

Sabi ni Sen. Ping kay Tito Sen, nag-abot na ang edad nila pero, ”Wala na tayong iwanan, wala na tayong atrasan, tuloy-tuloy na ang laban saan man makarating, magkasama tayo.”

Ang sweet ha ha ha. Ganyan ang samahan, walang iwanan kahit sino pa ang makatapat nila sa 2022. Sabi nga noon ni Ping, ”nakataga na sa bato ang kanilang tambalan.” Kaya mahirap na silang tibagin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …