Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
prison rape

Dating empleyado minolestiya
CHINESE CONTRACTOR ARESTADO SA PAMPANGA

NASAKOTE ang isang contractor na Chinese national nitong Biyernes, 27 Agosto, sa bayan ng Mexico, lalawigan ng Pampanga, sa reklamong pangmomolestiya ng kanyang dating empleya­dong babae.

Kinilala ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang arestadong suspek na si Yanlong Xu Chen, 36 anyos, Chinese national.

Nadakip ngn mga awtoridad ang suspek sa kanyang bahay na armado ng warrant of arrest na nilagdaan ni Presiding Judge Richard Gazzingan Evangelista ng Mexico-San Luis Municipal Circuit Trial Court para sa apat na bilang ng kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, may inirekomendang piyansang P144,000 para sa kanyang pansaman­talang kalayaan.

Nabatid na dating empleyado ng suspek ang 33-anyos Filipina na kanyang minolestiya mula buwan Hunyo hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon.

Ayon sa PRO3 PNP, contractor ang suspek na nagrerepresenta sa Nanzhu Construction Company.

Kabilang si Chen sa sa talaan ng top most wanted persons ng Mexico Municipal Police Station.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …