Wednesday , December 25 2024

Duterte camp election plans buking — Solon (Panlihis sa palpak na CoVid response)

HATAW News Team

ITINURING ng grupong Bayan Muna na isang political show at political circus ang patuloy na pag-iingay ng Duterte camp para sa 2022 elections.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, dapat tigil-tigilan ng mga Duterte ang mga pakulo na ang layunin ay ilihis ang tunay na isyu ukol sa palpak na CoVid-19 response ng administrasyon at ang report ng Commission on Audit (COA) na nagpapakita ng palpak na paggamit ng bilyon-bilyong government funds.

Tinukoy ni Gaite ang pagpapalutang ng PDP-Laban para sa Go-Duterte tandem, ang pag iingay ng Malacañang para sa Sara-Digong tandem, at ang pag-aaway kamakailan sa media ng mag-ama.

“Nagpapalutang sila ng bagong pag-uusapan but the people will not fall for this pathetic magicians act of misdirection to confuse the people,” giit ni Gaite.

Aniya, kahit ano ang gawing formula ng mga Duterte para sa 2022 elections ay tiyak na ire-reject ito ng mga Filipino.

“Be it the puppet and master tandem Go-Duterte or the despicably dynastic tandem Sara-Rodrigo, the people are sure to reject the political maneuvers of the Duterte regime,” ani Gaite.

Dagdag ni Gaite, hindi na maloloko pang muli ang publiko at naghihintay na ang sambayanan sa pagtata­pos ng termino ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

“Nangangarap na at nakatanaw ang samba­yanan sa isang Filipinas na walang Duterte sa kapangyarihan” giit ng mambabatas.

Nanindigan si Anakpawis Partylist National President at dating kongresista Ariel Casilao, kahit magparaya si Pangulong Duterte para sa presidential bid ng anak na si Davao City Mayor Sara ay hindi rin ito kakagatin ng publiko.

Malinaw na ang ganitong plano ay para maisalba si Pangulong Duterte sa mga kasong naghihintay sa kanya sa pagbaba sa puwesto.

“Whether it is Juan dela Cruz-Rodrigo Duterte or Sara-Digong tandem, it is till he same #DutertePalpak and #DuterteKorap brand of traditional politics the Filipino people have been opposing. We should rise up against this archaic evil plan,” pagtatapos ni Casilao.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *