Wednesday , May 14 2025
Sofia Lee Mrs Universe
Sofia Lee Mrs Universe

Mrs Universe candidate Sofia Lee ilaw sa bawat tahanan tututukan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ILAW sa bawat tahanan. Ito ang proyekto o kampanyang napili ni Mrs Universe Philippine candidate na si Sofia Lee.

“Itong empowering everyone  in the community ang napili ko, hindi lang para sa kababaihan . Maniniwala ba kayong humigit-kumulang na 20 milyon katao o pamilya ang hanggang ngayon ay hindi kayang magkaroon o magpakabit ng sariling ilaw?” ani Sofia sa isang interbyu sa kanya.“ At hindi yon madali.

“Marami ang umaasa pa rin sa gasera kahit advance na lahat ngayon. So i-imagine n’yo kung gaano kahirap sa isang pamilya lalo pa’t may anak na nag-aaral. Paano na lang makaka-cope up sa new normal? Ang mas mahirap ‘yung maaksidenteng matabig at maging sanhi ng sunog. Puwera pa ‘yong nakatatakot sa panahon ngayon maglakad sa gabi lalo sa madidilim na lugar,” sambit pa ni Sofia.

“Inisip ko kung paano ba ako makakatulong ? ’Yong isang kaibigan kong miyembro ng Mason, isang  kapatiran na tumutulong sa kapwa at komunidad, patrol ng masa, ipinakilala ako sa Liter of Light, isang sibikong samahan na nagbibigay ng libre at  ecologically sustainable sources of light sa mga tahanang walang kakayahang magpakabit ng koryente sa panahong ito.” 

Paliwanag ni Sofia, “nagsimula ang proyektong ito globally. Ang material ay hindi rin kailangang bilhin, kundi recyclable, mula sa mga gamit na plastic bottle. Ang nakatutuwa, mismong mga miyembro ang tinutulungan  para gumawa ng lamparang yari sa plastic na bote. Isang makabuluhang livelihood project  ito na talaga namang malaking tulong.

“Environmental friendly dahil mula sa araw ang source, it uses the renewable energy from the sun, helps in reducing carbon emission, lalo ngayon na matindi ang problema natin sa global warming.

“Maraming buhay ang binago nito upang maramdaman nila na importante at may silbi pa rin sila sa lipunan at mga kababayan, ‘yong mga babae na nasa loob ng correctional ang tinutukoy ko,” sambit pa ni Sofia.

Naumpisahan na ni Sofia ang proyektong ito sa Sitio Bakal, Quezon City sa pakikipagtulungan at patnubay ng Good Neighbor Foundation, isang non-government organization at ng Masonic Lodge No. 406. Labis ang pagpapasalamat sa kanila ng Mrs. Universe Candidate at miyembro ng “Ilaw ng Tahanan.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jan Evan Gaupo

Model Jan Evan Gaupo sasabak sa King Of The World 2026 

MATABILni John Fontanilla WAGI sa katatapos na Christian Duff Calendar Model Season 5 ang modelong …

Kristel Fulgar Ha Su-hyuk

Kristel Fulgar ikinasal na sa Korean boyfriend 

MATABILni John Fontanilla IKINASAL na ang Actress at social media star Kristel Fulgar sa kanyang …

Comelec Elections

Mga artistang hindi pinalad 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMING mga talunan sa mga taga-showbiz. Nandiyan sina Ara Mina, Ejay …

Sam Verzosa Dan Fernandez Ejay Falcon Bong Revilla Manny Pacquiao Willie Revillame Phillip Salvador Vico Sotto

SV, Dan, Ejay pagkatalo maagang tinanggap; Bong, Manny, Willie, Ipe olats; Vico pinakain ng alikabok ang kalaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GUSTO rin namin ang ginawang pag-concede nina Sam Verzosa, Dan Fernandez, …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis Manzano bigo bilang VG ng Batangas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGKAHALONG saya at lungkot for sure ang nararamdaman ng mahal nating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *