Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marion Aunor, Sharon Cuneta
Marion Aunor, Sharon Cuneta

Marion Aunor, proud na nakatrabaho si Sharon Cuneta

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TILA tuloy-tuloy na nga ang pagiging aktibo ni Marion Aunor sa larangan ng pag-arte. Ang latest movie ni Marion titled Revirginized na tinatampukan ni Sharon Cuneta ay napapanood na sa Vivamax, simula pa noong August 6. 

Ito ang comeback movie ng Megastar sa ilalim ng Viva Films. Aside from Sharon and Marion, tampok dito sina  Albert Martinez, Rosanna Roces, Marco Gumabao, Cristina Gonzales, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Darryl Yap.

Ang Revirginized ang fourth movie bale ni Marion. Ang unang pelikula niya ay ang Tibak ni Direk Arlyn Dela Cruz, na tinampukan ni Jak Roberto. Sumunod ay ang Togs ni Direk Njel de Mesa na pinagbibidahan nina Marion at Gerald Santos, at sa pelikulang Kaka, starring Sunshine Guimary ay may special participation si Marion.

Natuwa kami sa FB post ni Direk Darryl hinggil sa eldest daughter ni Ms. Maribel ‘Lala’ Aunor na pinuri nang husto ng direktor.Sana masarap ang lunch mo ngayon Marion Aunor.napakahusay mo. super duper love you!walang-wala ang mga singer/songwriter na sinasabi nilang kalinya mo. pakyu silang lahat sa talent mo.salamat sa paggawa ng awitin para sa #AMNP at sa paparating nating pelikulang #SMP.

Ano ang reaction niya sa sinabi ni Direk Darryl?

Sagotng mahusay na singer/songwriter, “Siyempre natuwa po ako and nai-inspire lalo na gumawa pa ng songs. Very excited na marinig yung mga songs na ginawa ko para sa upcoming movies niya.”

Nalaman din namin na may bagong pelikula na si Marion. Sino ang kasama niya rito at ano ang role niya sa movie?

“Hintayin ko na lang po siguro kapag na-announce na nila direk, hahaha! Baka mapagalitan po kasi ako,” nakangiting saad pa ni Marion.Inusisa rin namin si Marion kung ano ang na-feel niya nang napanoopd ang Revirginized? Aniya, “I’m happy na may bagong experience po ulit ako as an actress. Honored na naka-work ko si Ms. Sharon and excited to act in more movies.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …