TAWA kami nang tawa sa kuwento ng isang movie writer. Kasi sa kuwento niya, may panahon daw na ang isang Dermatologist ay ginawang “ATM:” ng isang Male Starlet. Iyon ay noong panahong mahilig pa si doc kahit na may boyfriend na. Iyon namang male starlet, ganoon hanggang ngayon.
Nakapapasok siya at madalas na istambay sa isang “elite club house” bilang guest ng isang member doon, pero ang totoo roon lang siya dumi-display para makilala ang mga mayayamang matrona na mahihilig din. Iyon naman ang target niya ngayon dahil mukhang naikot na niya ang lahat halos ng mga mayayamang bading na dati na niyang nakaka-date.
“Noong pagsawaan na siya ng mga bading, ‘for obvious reasons’, sa mga matrona naman siya lumipat dahil mas ‘madali raw
i-please ang mga matronang client kaysa mga bading.’” (Ed de Leon)