SINUBUKAN ng isang pogi at sikat na male star na mag-shave ng kanyang pubic area. Tapos nag-selfie siya, na hindi naman kita ang mukha, at ipinakita niya iyon sa isa niyang kaibigan para maipakita kung ano ang kinalabasan ng kanyang ginawa.
Nakita naman iyon ng isa pang male star na biglang nagpa-shave rin, at tapos gusto raw niyang makausap ang poging male star para masabing pareho na silang shaven.
Nagtatawanan naman ang mga nakarinig dahil ang paniwala nila may iba pang motibo ang male star na nanggaya. Marami na rin kasing nagsasabi noon pa na, ”parang may lagnat siya at kailangang uminom ng paracetamol.” Baka nga dapat ang ipainom sa kanya ay “redemsivir na. Baka hindi lang lagnat kung di mala-covid na iyan.”
Talaga raw allergic ang nanggayang male star sa mga pogi. Basta nakakita ng pogi, nanginginig siyang akala mo inaatake ng epilepsy. Iyon na. (Ed de Leon)