ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG sabi nga, ‘You can not put the good man down’. Kahit batuhin man siya ng mga maling balita at kung ano-anong intriga, mananatili siyang nakatayo at lumalaban.
Ganyan katatag ang nag-iisang Romulo Valderama Peña, ang congressman ng Distrito Uno ng Makati. Hindi basta-basta siyang natatalo o napapayuko, bagkus ay patuloy na naglilingkod at lumalaban para sa minamahal niyang kababayan.
Likas na kay Congressman Romulo ang tumulong sa kapwa. Natutunan niyang magkawanggawa sa pamamgitan ng kinalakihan niyang pamilya. Kumbaga, kasing bilis ng kidlat ang ginagawa niyang pagtulong sa mahihirap. Kaya naman tinagurian siyang “Kidlat ng Makati”.
Marami siyang pinagdaanang posisyon bago naging congressman. Naging SK chairman siya, kapitan ng Barangay Valenzuela, presidente ng Liga ng mga Barangay sa Makati, naging konsehal, Makati city vice mayor, Makati city mayor, hanggang sa maging mambabatas si Cong. Kid sa kasalukuyan.
Since day one ng kanyang panunungkulan, walang hinto siya sa pagbibigay ng serbisyo. Kasama ng kanyang Kid Riders, personal niyang pinupuntahan ang mga taong kanyang tinutulungan. Hanggang sa dumating ang COVID-19 pandemic, na mas lalo pa siyang naging abala sa pagbibigay ng ayuda sa kanyang mahal na mga kababayan.
Kaya naman maraming Makatenyo ang nanininiwalang tunay na kahanga-hanga si Cong. Peña.
Happy-happy birthday congressman Kid!