Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovely Rivero Jose Sacramento It’s A Lovely Day
Lovely Rivero Jose Sacramento It’s A Lovely Day

Lovely Rivero, kakaibang fulfillment ang nakukuha sa It’s A Lovely Day

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA ang versatile na aktres-TV host na si Lovely Rivero sa magandang pagtanggap sa kanilang online show ni Jose Sacramento titled It’s A Lovely Day na prodyus ni Art Halili Jr. ng Star A’s Academy.

Ito ay napapanood sa K5 Digital Media FB page and other online platforms, every Sunday, 11 am.

Lahad ni Ms. Lovely, “So far, kappy kami sa viewership namin, thank God. Yung pilot episode namin has 15,000 views at pati yung ibang episodes on the LGBT at Mental Health issues, ilang libo rin.

“This Sunday and next, cyber bullying and bashing naman ang topic namin. Two part episode ito. Guests namin sa August 1 sina Hazel Grace Edep, Boss Choi -sila yung nag-viral na nag-Tulfo at kasama si Atty. DJ Jimenez. Sa Aug. 8 naman, guest namin si Xander Ford at mayroon pa siyang makakasama for sure.”

Ano ang kanyang fulfillment na nakukuha na nagiging instrumento sila para matalakay ang mga sensitive na topics tulad nito, para sa kaliwanagan ng mga madla?

Esplika niya, “Ang fulfillment na nakukuha ko sa show na ito, is aside from nagiging paraan or avenue ang show upang tumalakay ng mga topics na makabuluhan at minsan ay sensitibo at nakapagbibigay liwanag sa mga mamamayan o sa manonood, ako mismo as a host ay natuto rin. Dahil tuwing nakikining ako sa istorya o sa mga pahayag ng ating panauhin, natututo ako sa kanilang mga eksperyensiya at itong learnings na ito ay napaka-fulfilling at hindi mababayaran talaga.

“Mas lalo kasi akong nagiging aware, mas nagiging mulat ako… Dahil you know, first hand information iyong nakukuha ko, first hand experience ng mga guest ang kanilang inilalahad at dahil doon ay lumalawak ang aking pananaw, lumalawak ang aking pang-unawa.”

Pagpapatuloy pa ni Ms. Lovely, “So, hindi lamang sa dahil kami ang nagbibigay ng serbisyo sa ating mamamayan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga senstibo at makabuluhang topics, kami mismo as hosts, lalo na ako, speaking for myself, ay natututo from them. So, it’s a two way inter-action talaga and gaya nga ng lagi kong sinasabi noon, sa tingin ko talaga as a host, first and foremost ay dapat marunong kang makinig.“Iyon ang maganda sa show na ito, nakikinig ako sa mga inilalahad ng ating mga guest at sa pakikinig na iyon, ako ay natututo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …