Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea del Rosario Daughter Bea
Andrea del Rosario Daughter Bea

Unica hija ni Andrea del Rosario na si Bea, humihingi ng kapatid

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAHUNTAHAN namin recently ang former Viva Hot Babe member na si Andrea del Rosario. Dito’y nalaman namin na dumaan pala siya sa IVF (In Vitro Fertilization) procedure, na iha-harvest ang kanyang egg cells para posible siyang muling magkaroon ng baby.

Pinaghandaan niya ang IVF procedure na ito, kaya hindi muna siya tumanggap ng assignments sa showbiz.

Dapat ay kasali ang aktres sa The Broken Marriage Vow na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at iba pa. Nanghinayang ba siya sa project na iyon?

Tugon ng dating Vice Mayor ng Calatagan, Bantangas, “Tinanggihan ko iyong The Broken Marriage Vow and guestings sa GMA-7, because of an out of town trip.”

Dagdag pa niya, “Siyempre nanghihinayang, but I guess things happen for a reason… Nabigyan pa rin naman ng project, I’m doing a guesting sa ABS-CBN.”

Sa pagkakatanda namin, ilang taon na nang naoperahan si Ms. Andrea, kaya hindi na siya puwedeng magkaroon ng baby sa normal na pamamaraan.

Ang unica hija ni Ms. Andrea na si Beatrice or Bea ay 11 years old na, nagre-request na ba siya ng kapatid?

Nakatawang sagot ng aktres, “Yes! Hahahaha!”

Si Ms. Andrea ay masaya sa kanyang lovelife sa piling ng kanyang karelasyon for five years na si Anthony Garcia, na isang mahusay na professional polo player.

Kamusta ang IVF procedure niya? Sa abroad ba iyon ginawa?

Esplika ni Andrea, “Not successful eh, I did it here. That’s also the reason why I don’t accept that much work.”

Pero, puwede ba siyang umulit sa procedure na iyon? “Yes… but maybe after two months pa. Bugbog na rin kasi ang katawan ko ng medicine and procedures,” pakli pa niya.

May plano ba siyang sumabak ulit sa politika? “None as of the moment,” matipid na tugon niya.

Nagsawa na ba siya sa politika?

Lahad niya, “Hindi sa nagsawa, unfortunately it was Bea who got affected during those times.”

Nabanggit din niya na sa ngayon ay ang kanyang family ang priority niya, over showbiz.

“Yes, especially that I am not young anymore,” nakangiting tugon pa ni Ms. Andrea.

Abangan si Ms. Andrea sa pelikulang Pugon, kasama si Soliman Cruz at ang up and coming indie movie child stars.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …