Saturday , November 16 2024

THE WHO: Unli king sa Kongreso, milyones, utang sa gobyerno

SASABOG ang mabahong, mabahong pagnanakaw ng opisyal ng isang mambabatas na singkit.

Noong nakaupo pa sa isang ahensiya na may inisyal na tatlong letra, at mataas ang kanyang posisyon, milyon-milyon ang nakulimbat ng hilaw na beho, na sinabing sobrang sama ng ugali.

Inakala ng masamang ugaling opisyal na ligtas na siya dahil nakakapit siya sa isang unanong singkit na sobrang pinagkakatiwalaan ni Tanda.

Hindi alam ng nasabing opisyal pinahugot ng kanyang tunay na amo sa Kamara ang records na kanyang mga nakulimbat.

Hindi kaya si amo ay parte sa milyones na nakulimbat ng opisyal?

Lumapit pa ang opisyal sa isang higanteng hepe ng ahensiya para ipabura ang mga records na kaniyang nakulimbat.

Pero huli na!

Hoy Mokong, nasa COA report na ang milyones na dapat mong ipaliwanag sa bayan.

CLUE: Sumugod at nagwala kailan lang ang hilaw na beho sa dating ahensiyang kinabibilangan, nang mabalitaan na ibinigay sa state auditors ang mga dokumento kaugnay ng milyones na kanyang hinawakan pero matapos ang tatlong taon ay ‘unliquidated’ pa rin.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *