ANG talaga palang crush ng isang gay male star na lumalabas din sa mga bading serye ay hindi talaga ang male star na kasama niya sa serye kundi isang matinee idol na ngayon ay boyfriend naman ng isang aktres na nasa kalaban nilang network.
Natawa rin kami nang aminin niya iyon at tipong kinikilig pa habang ipinakikita sa amin ang mga sexy photo ng poging crush niya na naka-save sa kanyang cell phone. Pati ang mga Tiktok videos ng pogi nai-save na rin niya sa kanyang cellphone na sinabi niyang “pinanonood ko kung malungkot ako.”
Huwag na ninyong tanungin kung may ginagawa pa siyang iba kasabay ng kanyang panonood ng Tiktok ni pogi.
Talagang gigil na gigil ang gay male star, lalo na nang marinig niyang pinatulan din ni pogi ang isang male star-model na bi naman at syota ngayon ng isang sikat na aktres. Ibinabalita raw kasi ng silahis na actor-model na ang poging matinee idol ay, “Isa, dalawa, tatlo may sasampalin ka pa.”
Nakakatulog daw ang bading na pinagmamasdan ang picture ng poging actor. (Ed de Leon)