Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerald at Kim hubad kung hubad sa mga lovescene

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


FRESH
pa sa tagumpay ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam sina Jerald Napoles at Kim Molina, heto’t isa na namang pelikula ang tiyak na ie-enjoy ng netizens, ang Ikaw At Ako At Ang Ending na idinirehe ni  Irene Villamor handog pa rin ng Viva Films.

Pero kakaiba itong Ikaw At Ako At Ang Ending dahil isa itong action-drama na may mga nakakalokang sex scenes na ikagugulat ng mga manonood.

Pahayag ni Direk Irene hindi siya nahirapang kunan ang mga nakakalokang sex scenes nina Jerald at Kim dahil komportable na ang dalawa.

Ani Direk Irene, malaking tulong na magkarelasyon sa tunay na buhay sina Jerald at Kim dahil talagang game na game sila sa lahat ng mga eksenang ipinagawa niya.

“Hindi ako nahirapan kasi sila pa nga ‘yung nagsasabi sa’kin, ‘o ano pa ang gusto mong ipagawa sa amin?’ Masaya nga kasi ang dami nilang kayang gawin at ibigay sa direktor kaya ang gaan ng lahat.

“Kaibigan ko rin sila, kaya alam ko kung ano ang mga kakayahan nila sa pagiging artista. Puede mo silang i-push kung hanggang saan sila masasagad. 

“Ang peg ko sa movie is ‘Thelma and Louise’ na you and me against the world ang characters. Their characters as Martin and Mylene are not the types you’d expect to play leads, but they surely deserve to have their own movie. 

“They are two hopeless strangers who meet in an unexpected time where both are trying to escape from their miserable lives and they get involved in some surprising incidents that lead to a very suspenseful and exciting climax.”

Sinabi pa ni Direk Irene na, ”Pangarap ko na talagang gumawa ng ganitong pelikula. Gusto ko talagang mag-action. Parang patikim pa lang ito sa akin ng universe, kung ano ang kaya kong gawin sa genre na ‘yon.

“Sobra ko siyang in-embrace, sobra ko siyang mahal. So, parang hindi naman sa babae o sa lalaki o sa gender, but it’s more of sa gusto kong ikuwento at gusto ko rin ‘yung energy ng genre.”

Ang Ikaw At Ako At Ang Ending ay ukol sa dalawang estranghero na pinagtagpo sa hindi inaasahang oras na kapwa sinusubukang takasan ang kanilang mga miserableng realidad.

Nag-premiere sa YouTube ang teaser trailer ng pelikula noong July 11, at siksik ito ng takbuhan, car chasing, at maiinit na love scenes at puno ng suspense at aksyon. Ngunit dahil ito ay pelikulang gawa ni Direk Irene, tiyak marami pang sorpresa ang mapapanood.

Siguradong marami rin ang masosorpresa sa kakaibang Kim at Jerald na mapapanood sa pelikulang ito, dahil ibang klase ng pag-arte ang kanilang ipakikita bukod sa kanilang pagpapatawa na mas kilala sila.

Mapapanood ang pelikula simula sa Aug. 13, streaming globally sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV, at sa VIVAMAX.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …