Saturday , December 28 2024

#BrigadangAyala nagbalik sa Cagayan para magbigay ng livelihood training

#BrigadangAyala: Makikita sa larawan si Judith Domingo, isang entrepreneur na tubong Lal-lo, Cagayan. Nais niyang palaguin pa ang kanyang maliit na negosyo upang matulungan rin ang iba pang kababaihan sa kanyang komunidad. Katuwang ang TESDA, AC Energy, at Ayala Foundaiton, isa si Judith sa 50 nanay na taga-Lal-lo at Buguey, Cagayan na makatatanggap ng libreng cookery, baking at pastry skills training.

KASADO na ang livelihood training ng #BrigadaAyala ng Ayala Group para sa dalawang komunidad sa Cagayan bilang tulong ng kompanya para sa mga pamilyang naapektohan ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang taon.

Sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills and Livelihood Authority (TESDA), bumuo ang Ayala Foundation at AC Energy ng disaster resiliency livelihood program na naglalayong magbigay ng libreng training para sa 300 inang pinadapa ng bagyong Ulysses.

Lilinangin ng programa ang cookery, baking, at pastry skills para sa inisyal 50 nanay mula sa bayan ng Lal-lo at Buguey, Cagayan. Ang natitirang 250 nanay ay isaisailalim rin sa iba’t ibang training hanggang matapos ang taon. Pangangasiwaan ng TESDA ang bawat training, sa ilalim ng kanilang Mobile Training Program sa mga bayan ng Amulung, Solana, Enrile, Baggao, at Alcala.

“Inaasahan ko na magkaroon ako ng sariling bakeshop para makatulong sa pamilya ko. Thank you kasi sa mga ganitong programa malaking tulong ito para sa amin, tapos lalo na ngayon pandemic, hirap naman kasi mag-apply kung saan, so mas okay na ‘yung magkaroon ng sariling business para mabuhay,” ani Narlyn Dazo, isa sa mga benepisaryo mula Lal-lo.

“Masaya, saka excited ako kasi gusto ko talagang ituloy ‘yung negosyo ko kasi maraming pamilya ang umaasa sa akin. Inaasahan ko na madaragdagan ‘yung kaalaman ko tungkol sa Negosyo,” ani Judith Domingo, mula rin sa Lal-lo.

Isa ang bagyong Ulysses sa pinakamakapaminsalang bagyo na dumating sa ating bansa, partikular sa Northern Luzon. Nagdulot ito ng mahigit P20.3 bilyong halaga ng pinsala dahil sa malakas at walang tigil na pagbaha, hanggang maraming gusali at kabahayan ang nalubog sa tubig.

“This partnership with AC Energy and TESDA for a disaster resilience program in Cagayan is in keeping with our efforts to align with the needs of stakeholders, focusing on interventions that make the most impact in the lives of people,” pahayag ni Ruel Maranan, presidente ng Ayala Foundation. “As Ayala Foundation celebrates its 60th anniversary, we affirm our faith in the Filipino as we all stand resilient in the face of challenges.”

“It is our privilege to serve the communities of Cagayan, together with Ayala Foundation, TESDA, and the rest of the Ayala group,” ani Eric Francia, president and CEO ng AC Energy. “Initiatives such as these show that helping communities become self-sustaining and resilient in the face of disasters is also good for business, community development, and our shared goal of building the nation.”

Ani Sec. Isidro Lapeña, Director General of Tesda, “Tesda is truly grateful to the entire Ayala group of companies as we work together to provide the needed assistance to calamity-affected communities and help them rebuild their lives through employment and livelihood opportunities.”

Nang humagupit ang bagyong Ulysses, isa ang Ayala group sa mga unang nagsagawa ng relief operations sa Cagayan. Sa pangunguna ng Ayala Foundation, nakapagbigay ang Ayala group ng emergency relief support gaya ng food and medicine packs at pagtatayo ng Libreng Tawag at WiFi stations sa mga evacuation site, sa mahigit 1,800 pamilya, o 9,000 mamamayan sa Cagayan. Kasama rin sa mga nagbigay ng ayuda ang Ayala Foundation, AC Energy, Globe Telecom, Bank of the Philippine Islands, Generika, at ang Ayala Multi-Purpose Cooperative.

Para sa mga guro at mag-aaral ay namahagi din ang grupo ng transistor radios, face masks, at Globe Home Prepaid WiFi kits sa bayan ng Lal-lo ay Buguey.

Ang #BrigadangAyala ay ang sama-samang pagtugon ng mga kompanya ng Ayala Group sa pagpapahayag sa halos dalawang siglong commitment sa national development sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng social development at corporate social responsibility initiatives – mula disaster relief and response, public education assistance, championing of social enterprises, public health advocacy, atbp.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *