Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin sa pagganap na Prince Zardoz — masarap sa pakiramdam

Rated R
ni Rommel Gonzales

UNANG beses na nagkontrabida sa isang teleserye si Martin del Rosario sa The Gift na umere noong September 2019 hanggang February 2020.

“Usually grey eh, grey lang, parang third party na nang-aagaw ng… pero ‘yun kontrabida talaga.”

Challenging iyon para kay Martin, pero enjoy siya sa pagkokontrabida.

“Pero more than challenging mas nasasarapan ako roon sa pakiramdam. 

“Kasi mas malaya akong gumalaw, ang dami kong puwedeng gawin, kasi noon isa ito sa mga dream kong gawin eh, maging kontrabida.

“Na parang feeling ko na, ‘Ah, hindi ko maaabot ito!’

“Kasi parang ang bait ng mukha ko, mukha akong laging parang maamo ‘yung mukha.

“Pero alam ko naman sa sarili ko na, ‘Ah, kaya ko naman ito!’”

At ang latest ngayong 2021, naka-lock in na si Martin sa taping ng pasabog na programa ng GMA, ang Voltes V na gaganap siya na main contrabida, si Prince Zardos.

Pero bago iyon, mapapanood muna si Martin sa fresh episode ng Magpakailanma sa GMA sa Sabado, July 17.

Tunghayan natin sa Magpakailanman ang episode na Asawa at kabit sa isang bubong. Kasama ni Martin sina Katrina HaliliKris Bernal, at Ollie Espino. Ito ay idinirehe ni Rechie Del Carmen, mula sa pananaliksik ni Karen P. Lustica, at panulat ni Loi Argel Nova.

Lahat ng mag-asawa ay nagnanais ng isang masaya at payapang pagsasama. Pero paano kung pagsamahin ni mister sa iisang bubong ang kanyang asawa at kabit?!

Sa Sabado, panoorin ang totoo at buong kuwento nina Lea, Karlo, at Marites. Ang dalawang babaeng pinagsama sa iisang bahay ng lalaking parehas nilang mahal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …