ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
INILUNSAD ng Royal Imperial House Trading and Consultancy Inc., at GMA 8 International Development Corporation ang produktong panlaban sa mouth diseases gaya ng sore throat, stomatitis, gingivitis, cough, tonsilitis, bronchitis, alveolitis, periodontitis at iba pa. Pinipigilan din nito ang CoVid-19 dahil pinupuksa nito ang viruses.
Ang produktong ito ay ang Oracur Solution Spray, na ipinakilala ni Baby F. Go, president ng Royal Imperial House Trading and Consultancy Inc., at ni Dr. Jose Odilon Aranton, president-COO ng GMA 8 International Development Corporation. Ito ay aprobado ng Food and Drug Administration (FDA).
Ang multi-awarded actor na si Allen Dizon at aktres/producer Kate Brios ang endorsers ng Oracur.
Ang presyo ay mas abot-kaya at mas marami itong gamit kompara sa mga imported na produkto. Ang pinakamahahalagang sangkap ng Oracur ay sibuyas, oil, mentol, alkampor, eucalyptus, at bawang. Lahat ito ay panlaban sa bacteria, pamamamaga, at mga virus.
Mahalaga ito dahil ayon sa World Health Organization (WHO), 80% ng mga tao ay may oral diseases. Ang pangangalaga sa ating oral health ay nagpapababa sa impeksiyon dahil kinokontrol nito ang sakit sa gilagid gaya ng periodontitis. Ang sakit ding ito’y nagpapalala ng sintomas ng CoVid-19. Dahil sa periodontitis, puwedeng pumasok sa dugo ang bacteria at magdulot ng blood clot at blood thickening.
Bukod dito, humihina ang panlaban sa sakit ng taong may mababang oral hygiene. Ito’y nagdudulot ng CoVid-19, sakit sa puso, diabetes, at kanser.
Napatunayan ng mga dentista sa US, Canada, Malaysia, Singapore, at Japan na epektibo ang Oracur laban sa mga sakit. Kaya’t pumirma sila ng dokumento upang i-endorse ito. Sinamahan pa nila ito ng kanilang license numbers.
Sinubukan ng dating chairman ng PCSO Manuel “Manoling” Morato ang Oracur noong 2008 at nakita niya ang bisa nito. Sabi niya, hindi siya nagsusuot ng pustiso hanggang ngayon dahil sa Oracur. Bumili siya ng maraming Oracur at inirekomenda ito kay Dr. Larry Sedro, opisyal ng PCSO.
Pumasa sa pag-aaral ng certified naturopathic practitioner na si Melchor Rito ng wellness group na Green Life Center for Alternative Medicine Inc. (GLCAM), Dr. Art Dulce, founder ang GLCAM, at Dentist II Mary Jean Bautista ng Marikina Municipal Health Office ang Oracur. Ayon kay Dr. Dionisio Burog, provincial oral health program coordinator ng Provincial Health Office sa Batangas City, agad napuksa ng Oracur ang ubo, sore throat, at bronchitis ng mga tao sa kanilang lugar.