SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
INAMIN ni Cindy Miranda na natakot siya sa mga eksena nila ni Aljur Abrenica na maseselan.
Ang tinutukoy ni Cindy ay ang ilang maiinit nilang tagpo ng actor sa pelikulang handog ng Viva Films, ang Nerisa na idinirehe ni Lawrence Fajardo at isinulat ni Ricky Lee at mapapanood na sa July 30 sa ktx.ph, iWantTFC, at TFC IPTV sa halatang P249 at sa Vivamax.
Paliwanag ni Cindy sa isinagawang virtual media conference, “Siyempre bilang babae mas takot ako sa lalaki. Kasi alam ko po sa babae, harmless eh, kahit anong gawin.”
Naikompara kasi ni Cindy ang sexy movie rin niyang Adan na gumaganap siyang isang lesbian na nakipagtalik siya kay Rhen Escano.
“Alam ko pa ‘yan at saka very close kami ni Rhen. Para lang kaming mga bata roon sa ‘Adan’ kasi ‘yong istorya ganoon din eh. Naglalaro lang kami palagi.
“But here po (Nerisa) kasi, different po ito. Mag-asawa (kami) ni Aljur. So, kailangan naming ipakita ’yong love ng mag-asawa. Kailangan, ’yon nga po, pure, na mahal mo, siya lang ’yung mundo mo. ’Yun ’yung kailangang ipakita,” sambit ni Cindy.
Sinabi pa ni Cindy na first time niyang makipag-lovescene sa lalaki sa pelikula kaya talagang nahirapan siya.
“Mahirap man, I think naging successful kami sa love scenes namin. First time ko sa lalaki. Nahirapan talaga ako sa love scenes namin pero, I think naging successful naman kami.
“Siyempre as babae, I think may ganoon talaga…Pero siyempre ibinigay ko pa rin ang lahat para sa movie na ito. Nakatatakot man kasi first time. Lahat naman ‘pag first time nakakatakot. Hindi mo alam kung paano,” anito pa.
Pero napuri at pinasalamatan niya si Aljur dahil gentleman ito at inalagaan siya.
“Napaka-professional ni Aljur,” ani Cindy. “Igina-guide po n’ya ako. I really felt safe. Napaka-gentleman niya at saka mabait na tao si Aljur,” paghanga ni Cindy.
Kasama rin sa pelikula sina Elizabeth Oropesa, AJ Raval, Sean de Guzman at marami pang iba.
Excited si Cindys apelikulang ito dahil handa na siyang patunayan na hindi lang ganda ang mayroon siya kundi pa rin talent sa pag-arte.