Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga apo ni Ping Lacson artistahin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


HINDI
malayong pumasok sa showbiz ang dalawang apo ni Sen. Ping Lacson lalo’t artistahin ang dating nina Thirdy at Mimy Lacson na parehong mga tsikiting ng anak niyang si Pampy Lacson.

Si Thirdy, 15, ay anak ni Pampi sa ex-wife niyang si Jodi Sta. Maria at si Mimi naman, 7, ay anak sa kasalukuyang kinasamang si Iwa Moto.

Sinasabing hindi malayong pasukin ng dalawang bagets ang showbiz dahil parehong artista ang kani-kanilang ina. Si Mimi nga ay tila nagsisimula na dahil may endorsement siya ngayon. At sa tuwing magpo-post si Iwa ng mga picture nito, dagsa ang papuri sa bagets. Gandang-ganda sila rito. Bakit naman hindi eh, maganda rin ang ina.

Karaniwang komento sa picture ni Mimi ay, ”Napakagandang bata,” at ang ”like mother, like daughter.”

Si Thirdy naman ay nagbibinata na at lalong gumagwapo. Pwede itong maging heartthrob. Pero wala pa namang senyales na interesado sa pag-aartista ang bagets dahil katatapos lang nito ng high school at siyempre, mas gusto ng magulang niya na makapagtapos muna ito ng pag-aaral.

Bagamat mga bata pa, dalawang mundo ang pwedeng tahakin nina Thirdy at Mimi. Pwede silang pumasok sa showbiz tulad ng kani-kanilang ina at pwede rin sa politika tulad ng kanilang lolong si Sen. Ping na marami ang kumukumbinse na tumakbong pangulo sa darating na eleksiyon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …