Sunday , August 10 2025

Segments ng Unang Hirit mabenta sa viewers

Rated R
ni Rommel Gonzales

ISA ang guessing game ng Unang Hirit na Hula-Hula Who sa mga inaabangang segment sa longest-running morning TV show ng bansa. Paano kasi, hindi lang mae-exercise ang utak mo sa pag-iisip kung sino sa mga UH host ang pinahuhulaan, maaari ka pang manalo ng iba’t ibang premyo.

Sa sobrang benta nga nito sa viewers, na-extend ito ng hanggang July 2 na dapat ay magra-run lang hanggang katapusan ng Mayo.

Hindi naman dapat malungkot ang viewers dahil simula noong Lunes (July 5), may bagong dapat abangan mula sa UH. Ano kaya ito? Tiyak na mas bongga pa ito, knowing UH na laging inuuna ang viewers.

Talaga namang mas gugustuhin mong bumangon nang maaga araw-araw kapag kasama mo ang UH barkada dahil bukod sa balita, siksik din sa mga entertaining segment ang morning show. Kaya naman hindi nakapagtataka na higit sa dalawang dekada nito sa ere ay patuloy pa rin itong namamayagpag sa puso ng viewers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Marian Rivera boyish

Marian maganda pa rin kahit ginawang lalaki

I-FLEXni Jun Nardo LUTANG pa rin ang ganda ni Marian Rivera sa bagong pictorial para sa isang …

Aiko Melendez Quentin

Aiko nagpasalamat sa pag-share ni Candy kay Quentin

MA at PAni Rommel Placente IBINAHAGI ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook ang video clip ng pagsasayaw …

Kyle Echarri Piolo Pascual

Kyle Echarri nagsalita na sa malisyosong tsika sa kanila ni Piolo Pascual: He is like a brother

MA at PAni Rommel Placente NAGSALITA na si Kyle Echarri tungkol sa mga naglalabasang tsismis sa kanila …

Donny Pangilinan

Bigotilyong look ni Donny kinagiliwan

MATABILni John Fontanilla FLINEX ni Donny Pangilinan ang new look na mayroong bigote habang nagbabakasyon sa Hanoi, Vietnam. …

Ivana Alawi Candy Pangilinan Quentin

Ivana pinuna paggawa ng content sa ausome kids

MA at PAni Rommel Placente NAGTAMPOK sa kanyang vlog si Ivana Alawi ng mga anak ng kapwa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *