Thursday , June 25 2026
Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri

JC at Bela hanga sa husay at galing ng pagiging aktor ni Kyle

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NANINIWALA pareho sina Bela Padilla at JC Santos na hindi pang-dekorasyon lang si Kyle Echarri sa balik-tambalan nilang 100 Awit Para kay Stella.

Grabe pero ibang klaseng aktor si Kyle. Importanteng-importante ang role niya sa movie dahil after 8 years, hindi na kami mga student sa istorya,” tsika ni JC.

Susog naman ni Bela, “he is a committed actor. Marunong at mahusay, guwapo pa.”

Actually, nagtatanong pa rin po ako kung bakit ako kinuha sa movie. I have but huge thanks to Viva dahil sa importanteng project na ito. Sa mga maiinis o magagalit sa akin bilang si Clyde sa movie, naku po, sorry. Sana nga nagawa ko ‘yung demand ng role,” hirit naman ni Kyle.

Although mas may edad nga sina Bela at JC kompara sa bagets na si Kyle, hindi ‘yun naging isyu sa daloy ng movie lalo’t nag-evolve nga ang kwento nina Stella at Fidel sa bagong bersiyon na ito under director Paul Jason Laxamana.

Eight years ago na since mahalin nila ang tandem namin. I even considered it to be my first ever biggest movie hit at iba na ‘yung pressure this time na may ka-triangle kami in Kyle,” sey ni Bela.

Ipalalabas sa Sept. 10 ang movie at ang bonggang news ay nagawa ng Viva Entertainment na babaan ang ticket prices sa mga sinehan.

Sa Metro Manila ay papalo lang sa P275 ang presyo habang sa mga probinsiya ay P 230.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …