Thursday , June 4 2026
Lito Lapid Coco Martin

Coco proud sa mga input ng tatay-tatayang si Lito

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ISA si Sen. Lito Lapid sa 19 senador na bumoto ng “oo” para i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice-President Sara Duterte

Ayon kay Sen Lapid, “sinusunod at iginagalang po natin ang desisyon ng Korte Suprema. Ang pag-archive ng Senado sa impeachment case ni VP Duterte ay hindi nangangahulugan na mayroon o wala siyang kasalanan. Mas mabuti pa ring mapakinggan at maipaliwanag ang kanyang panig sa mga paratang ng House of Representatives.”

Pahabol pa niya, “kung sakali man at ma-grant ang motion for reconsideration na inihain ng Kamara sa Korte Suprema, ang inyong senado ay nakahandang ipagpatuloy ang paglilitis laban sa bise-presidente. Ang anumang debate sa pagpapatuloy ng paglilitis ay wala pong saysay sapagkat lalabagin ng Senado ang pasya ng Supreme Court. Ang Hudikatura at Senado ay pantay na mga sangay ng ating pamahalaan.”

Suportado ng mga kaibigan niya sa showbiz si Sen. Lapid na naniniwala ring dapat ay magkaroon ng checks and balances, kaya nandyan ang Korte Suprema para ipaintindi ang 1987 Constitution. 

Balita naman nating may balak na gumawa ng isang espesyal movie project si Sen. Lapid bago matapos ang 2025 kahit hindi siya ang bibida. Tila may ‘partnership’ sila ni Coco Martin sa kagayang usapin.

Proud na proud nga si Coco sa pagsasabing maraming mga bago at magagandang input na naibibigay sa kanya ang tatay-tatayang senador lalo’t may “political items’ na rin ang kuwento ngayon ng Batang Quiapo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …