MATABIL
ni John Fontanilla
FULL packed ang katatapos na gig ng Innervoices sa Noctos Music Bar sa Scout Tuazon, Quezon City.
First time naming ma-experience sa Noctos Music Bar na ganoon karaming tao na halos buong lugar ay na-occupy na.
Iba talaga ang charisma sa tao ng Innervoices at pinupuntahan lahat ng gigs nila kahit pa sa malayong lugar.
Dahil marahil bukod sa magandang PR ng grupo at talaga namang napakahusay nila na kahit anong song na i-request sa kanila ay kayang-kaya nila.
Kahit ang international singer at member ng Journey na si Arnel Pineda ay nag-enjoy sa tugtugan ng Innervoives at naki-jamming at naghandog ng dalawang awitin.
Maging ang mga taong nasa bar ay nag-enjoy din nang husto na nakikanta at sumayaw at tinapos ang two sets. At dahil super enjoy, na-extend pa ng ilang oras ang Innervoices sa kanilang pagkanta dahil sa pagsigaw ng more ng mga naroon.
Inawit din ng Innervoices ang sarili nilang kanta, tulad ng Meant To Be na isinulat ni Atty. Rey Bergadoat ang nakaiindak na Galaw Galaw na hit sa Tiktok at sinasayaw ng marami, Idlip, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.
Ang Innervoices ay kinabibilangan nina Atty. Rey, Patrick Marcelino, Joseph Cruz , Joseph Esparrago, Alvin Hebron, at Rene Tecson.
At bukod sa Noctos Music Bar, regular ding napapanood ang Innervoices sa 19 East Bar and Restaurant (na pag-aari ni Wowee Posadas), sa Aromata Quezon City, at sa Hard Rock Café sa Glorietta, Ayala.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com