PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BONGGA si Jak Roberto sa pagsasabing bet niya o boto siya kay Jameson Blake para kay Barbie Forteza.
Sey pa nito, “nagkaroon kami ng depp talks ni Jameson. Okey siya. Bagay sila. Sabi ko nga sa kanya, alagaan niya si Barbie.”
Although wala pang direktang inaamin sina Barbie at Jameson, nagiging obvious ang mas malalim nilang pagtitinginan o samahan.
Huwag naman sanang maging totoo ang tsika na mayroon lang nilulutong project o endorsement ang dalawa kaya may mga paandar silang parang nagliligawan o nagpapakilig bilang mag-BF-GF.
But hearing such statement from Jak, gusto na rin naming maniwala na sina Jameson at Barbie na nga.
In fairness, umingay ang name ni Jameson dahil sa pagkaka-link kay Barbie, habang ang huli naman ay tila literal na mayroong mahabang hair (kompara sa short hair niya) dahil ang bobongga nga ng mga lalaking nali-link sa kanya.
Mukha ngang may Beauty Empire siya sa ganda at appeal hahahaha!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com