MATABIL
ni John Fontanilla
IBINAHAGI ng singer-actress na si Miles Poblete ang naging journey nito sa paggawa ng pelikula, ang Mga Munting Tala sa Sinagtala na hatid ng Mamu’s Talent House Agency & Camerrol Entertainment Productions at idinirehe ni Errol Ropero.
After 20 years ay muli itong gumawa ng pelikula at ito ang kauna-unahang acting projects na ginawa ni Miles.
Post nito sa kanyang Facebook, “Still processing..Eto na talaga totoo na ini after 20 years off cam!🙏 Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng pelikula ng “Mga Munting Tala” Lalo na sa aming producer Mamu Edwardfabrosmamu Lagan, mahal Lito Ornedo Napolitano at sa aming director Errol Ropero sa tiwala at suporta ninyo sa aming lahat. Maraming challenges along the way pero nanaig ang puso at pagmamahal sa sining. Mabuhay tayong lahat!❤
“Sa mga patuloy na nangagarap huwag kayong bibitaw dahil darating din ang takdang panahon. At maniwala kayo sa sarili nyo at sa mga dasal nyo! Dahil ibibigay NYA ito sa panahong handa na kayo.”
Kasama ni Miles sa pelikula sina Ryrie Sophia, Richard Kuan, Jeffrey Santos, Shira Tweg, Potchi Angeles, Patani Dano at iba pa.
Ang nasabing pelikula ay ililibot sa iba’t ibang eskuwelahan sa buong Pilipinas ng Mamu’s Talent House Agency & Camerrol Entertainment Productions.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com