Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charlie Dizon next big star ng ABS-CBN

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


KINAKABAHAN
at nape-pressure. Ito ang tinuran ni Charlie Dizon nang matanong kung ano ang masasabi niyang siya na ang ginu-groom ng ABS-CBN para sumunod na big star.

Sa digital press conference ng bagong iWantTFC original series na My Sunset Girl na pinagbibidahan ni Charlie, sinabi niyang hindi naman niya super naririnig madalas na sinasabing siya ang susunod na big star.

Pero, aminado siyang kapag naririnig ito’y kinakabahan at nape-pressure siya. Nakakakaba, nakaka-pressure rin pero sobrang grateful ako sa lahat ng dumarating sa akin ngayon na opportunities.”

Halos sunod-sunod nga naman ang magagandang projects ni Charlie simula nang kilalanin ang galing niya sa pelikulang Fan Girl. Ito ang unang lead role ni Charlie pagkatapos ng Fan Girl, na nagbigay sa kanya ng Best Actress award sa Metro Manila Film Festival at Entertainment Editors’ Choice (The Eddys) ng SPEEd.

I mean ang tagal ko rin po nitong hinintay and ngayon talaga parang iniisip ko lang lagi na galingan sa lahat ng projects kasi nakakatakot kung kailan muli mawawala.

“So iyon ang lagi kong iniisip kaya nakakalakas ng loob kapag sinasabihan ng ganoon (next big star). Aaminin ko na nakakadagdag po talaga iyon ng confidence and kinakabahan ako talaga. Tao lang din po ako,” paliwanag pa ni Charlie na gaganap na Ciara sa My Sunset Girl.

Si Ciara ay isang masayahing dalagang gustong matupad ang mga pangarap sa buhay sa kabila ng malubhang sakit. Ipinanganak siyang may xeroderma pigmentosum, isang kondisyong maaaring pumatay sa kanya kapag naarawan ng matagal. Dahil dito, pinagbabawalan siyang lumabas ng bahay at sa internet lamang siya nakakahanap ng mga kaibigan.

Sinabi pa ni Charlie na sobrang grateful siya sa lahat ng opportunities na dumarating sa kanya.

Mapapanood ang My Sunset Girl simula Hulyo 14 at makakasama rito ni Charlie sina Jameson Blake isang travel enthusiast na makakagaanan niya ng loob dahil sa dami ng pagkakatulad nila sa isa’t isa; Mylene Dizon, ang istriktong ina ni Charlie; at si Joem Bascon ang tatay ni Charlie.

Kabilang din sa cast ng My Sunset Girl sina Lance Reblando, Ana Abad Santos, Jun Jun Quintana, Frances Makil-Ignacio, at Jonathan Tadioan. Ito ay idinirehe ni Andoy Ranay at sa ilalim naman ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment at All Blacks Media.

Mapapanood ang My Sunset Girl sa Hulyo 14, 8:00 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …