Rated R
ni Rommel Gonzales
ANG Unfiltered Skin Essentials & Wellness Industry ay pagmamay-ari ni Rina Navarro.
Paano nagsimula ang Unfiltered?
“Noong nasa high school ako, marami akong ginagamit na skincare products. ‘Yung iba, may epekto, ‘yung iba, wala!
“Tapos noong may mga nagtatanong sa akin kung ano ba ang mairerekomenda kong effective na skin products, wala akog maisagot.”
Sa tuwing magtutungo raw siya sa Amerika ay bumibili siya ng mga skincare products, pero mahal.
“Kaya inisip ko, mayroon namang paraan para makagamit ng lahat ng mga produkto na pampaganda ng balat na hindi gagastos ng malaki.”
At nang magka-COVID-19 pandemic, naglakas-loob si Rina na isakatuparan ang kanyang plano, lalo pa nga at limitado ang pera ng mga tao kaya kailangang affordable ang mga bilihin.
“Unfiltered is a character, not just a brand, it represents me and other women that want to love themself. Gusto naming gawing simple ang skincare. This company is built by strong, independent women,” ang sinabi pa ni Rina.
“Unfiltered is unique kasi noong dini-develop namin ang mga produkto namin, nag-research talaga kami ng mga active ingredient that work from other products and put it in the set.”
Dumaan sa maraming test ang kanilang mga produkto.
“We didn’t shortchange our ingredients because customers deserve the best.”
At para sa mga interesado sa mga produkto ng Unfiltered Skin Essentials at sa mga nais maging bahagi ng kompanya, mag-log-on sa kanilang Facebook account (Unfiltered Skin Essentials & Wellness Industry) at sa Instagram account (@Unfiltered_Main and @unfilteredskininc).