Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makki Lucino binansagang Queer of Soul

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


MAGANDA
pala talaga ang boses ni Makki Lucino, season 4 Tawag ng Tanghalan grand finalist. Kaya hindi nakapagtataka kung kunin siya ng Star Music para gawan ng sariling bersyon ang Broadway song na  She Used To Be Mine.

Ang She Used To Be Mine ay kinanta niya sa Tawag ng Tanghalan noon bago pa siya makapasok sa Top 6 na umani ng standing ovation at papuri sa mga hurado at host ng It’s Showtime. Isinulat naman ito ng American singer-songwriter na si Sara Bareilles para sa musical na  Waitress na ukol sa isang taong hindi makilala ang dati at kasalukuyang pagkatao.

Noong Biyernes, opisyal nang inilabas sa iba’t ibang digital streaming platform ang una niyang awitin.

Bagamat hindi itinanghal na grand winner sa huling edisyon ng Tawag ng Tanghalan si Lucino, masasabing napakasuwerte niya dahil siya ang napili para kantahin ang She Used To Be Mine na nilapatan ng ibang tunog.

Kaya naman masayang-masaya si Makki at nasabing, ”Kinanta ko po siya sa ‘TNT’ bago makapasok ng Top 6. ‘Yung feedback po ay na-touch ‘yung mga tao, naiyak sila. ‘Yun po ‘yung maganda, na I was able to touch other people’s hearts.”  

Ang awiting ito, ani Makki ay alay niya sa kanyang ate at sa lahat ng mga dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay bilang single mother.

Ang She Used To Be Mine ang unang single ni Makki na bagamat hindi niya original ay maligaya siya. ”I’m confident po muna rito sa song na ito. Kung magkakaroon man po ako ng time pa ng second single, it will follow po. After this, kapag pinalad po ulit na ma-produce, I’ll be happy and thankful.”

Sa galing ni Makki, binansagan siyang Queer of Soul na ang nagbigay ay ang kanyang management at Star Music.

Ani Makki, ”I’m so happy kasi yung ‘Queer of Soul’ is a monicker na naisip ng aking management at Star Music. The word ‘queer’ ako po ‘yun e. And yung ‘soul’ po is my style of singing. ‘Yung soul pop.” 

Pagkatapos ng Tawag ng Tanghalan, sumabak sa livestreaming sa Kumu si Makki sa “Queer of Soul,” na napapanood sa SeenZone channel (@seenzonechannel) at guestings sa FYE Channel at MYX.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …