Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaya ‘pinabata’ ng Unfiltered ni Rina

ISA sa mga “mukha” ng Unfiltered Skin Essentials & Wellness Industry si Jaya.

Nagkuwento ang Queen of Soul kung paano siya nagkaroon ng koneksiyon sa skincare business empire ni Rina Navarro.

“December of 2020 bigla nakita ko ‘yung friend ko na nag-post sa social media niya about Unfiltered. So ako naman, na-curious, nagtanong ako sa kanya, ‘ano itong Unfiltered, kapatid?’

“Then I was asked to have lunch, iyon pala ang imi-meet namin, ‘yung mismong may-ari ng Unfiltered, si Ms. Rina Navarro, roon mismo sa bahay niya, tapos so ayun, ipinakita nila sa akin ‘yung mga produkto niya.”

Pag-uwi niya, sinubukan niya ang beauty soap na ibinigay sa kanya ni Rina.

“I used the soap and it was so nice on my skin. As in ora mismo, ang lambot agad ng balat ko! Then ‘yung cream nila, inilagay ko sa mukha ko bago matulog.”

Paggising niya, mas lalong lumambot at kuminis ang balat niya.

“I noticed a major difference when I used the day cream. I was slowly peeling, it wasn’t abrupt, very light on the skin. 

“I’m already 51 but it didn’t make my skin sensitive, it was pretty good for all skin types. Men, women, everyone can use it.”

At dahil hands-on na ina at asawa si Jaya, limitado ang oras niya sa bahay pagdating sa pagpapaganda at pangangalaga ng kanyang kutis, kaya naging instant fan siya ng Unfiltered na madaling i-apply o gamitin.

“Ako ang nagluluto, naglalaba, kaya walang time ang ate nyo,” at tumawa si Jaya. ”Napakabilis at simpleng gamitin! at safe na safe gamitin ng lahat.”

Hamon pa ni Jaya sa lahat na gamitin ang mga produkto ng Unfiltered sa loob lamang ng pitong araw upang makita ang malaking kaibahan at kagandahan ng balat.

Hindi man halata pero 51 years old na si Jaya!

“And using the No Filter Kit did wonders for my skin. I used the soap, the toner, the day cream after lunch and I saw the texture change overnight. I did it for one week religiously. I felt in the beginning I had to use it all so I followed it to a T. 

“The only light I used in taking photos was daylight so I used the soap for my face and body initially to even out my skin tone.

“Ang sarap sa pakiramdam, naramdaman ko agad ang resulta sa loob lamang ng pitong araw!

“Bongga rin ‘yung night cream nila kasi hindi magbabalat o matutuklap ang balat mo, kasi micropeeling ang mangyayari kaya wala ka talagang mapapansin na pagtutuklap o hapdi na nangyayari, basta mararamdaman mo na lang, ang ganda-ganda na ng skin mo,” bulalas pa ni Jaya.

(ROMMEL GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …