Rated R
ni Rommel Gonzales
INAMIN ni Alden Richards na isa sa mga gusto niyang ma-achieve ngayong 2021 ay ang makilala ang kanyang special someone.
Ito ang ibinahagi ni Alden sa kanyang guesting nitong Sabado sa Sarap, ‘Di Ba? na sumabak sila ni Cassy Legaspi sa isang masayang kuwentuhan at titigan challenge.
“Build my own house, do an international project, at saka find that someone,” saad ni Alden.
Samantala, ipinaliwanag din ni Alden kung bakit gaming ang kanyang paboritong ‘me time’ activity.
Aniya, ”’Yun ‘yung pinaka-sanctuary ko, when I play games after work. Parang ‘yun ‘yung nagde-detach sa akin sa showbiz world.”
Speaking of gaming, mahilig din sa games at technology ang gagampanang role ni Alden sa much-awaited GMA series na The World Between Us na makakasama niya sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.
Taliwas sa kanyang ‘good boy’ roles before, kakaibang Alden ang mapapanood sa serye. ”’Yung role ko rito, si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay, kaya lang may unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa even further to his limits,” kuwento ni Alden.
Abangan ang The World Between Us simula July 5 sa GMA Telebabad.