SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
IGINIIT ni Inigo Pascual na wala siyang lovelife sa kasalukuyan. Focus kasi siya ngayon sa kanyang music.
Sa digital media conference noong Martes para sa kanyang Options album na ire-release sa June 25, sinabi ni Inigo na, ”Right now I am not currently in love with someone but I am in love with what I am doing.
“I mean grabe ‘yung lahat ng mga nangyayari. It’s hard to really start something. I mean I’ve been saying that and I know people are getting so tired of my answer but that’s just the reality of it,” sambit ng binata ni Piolo Pascual.
Paliwanag pa ni Inigo, ”We are going through this pandemic, so much is going on. And ang hirap din magsimula na hindi ka makakapunta. It’s also hard to say na I’m in love, it’s such a big word.”
Ang Options album ni Inigo ay may 12 orihinal na kanta na layuning maipakilala ang tunog ng Original Pilipino Music (OPM) sa buong mundo. Ini-record niya ito ang ikalawang full-length album at kauna-unahang international album kasama ang iba’t ibang producers at songwriters mula sa Manila at California sa loob ng dalawang taon.
Layunin ng Options album ang ‘self-discovery’ at paglalakbay ng isang tao sa mundong puno ng posibilidad. Maririnig dito ang pag-explore ni Inigo sa kanyang musika sa pamamagitan ng dance pop, island pop, dancehall, R&B, reggae, at acoustic tracks na ipinrodyus ng ABS-CBN Music label na Tarsier Records.
Ang Neverland ang carrier single ng album na ipinrodyus ng global hit producer na si Bernard “HARV” Harvey. Tinatalakay sa pop-R&B track ang pananatili sa ‘unknown’ kaysa gumawa ng hakbang para maintindihan ang isang ‘di pangkaraniwang relasyon.
Kasama pa sa Options album ang mga nauna nang ini-release na single, ang title track na Options, Danger kasama ang Common Kings at si DJ Flict, Should Be Me, at ang mga kolaborasyon niya kasama si Tarsier Records label head Moophs na Lost, Catching Feelings, Always, at ang stripped version ng OMW.
Mapakikinggan na ang mga awitin sa Options sa Spotify, Apple Music, Deezer, at iba pang digital music apps simula sa June 25 (Biyernes), at abangan ang premiere ng music video ng Neverland sa parehong araw sa YouTube channel ng Tarsier Records.