I-FLEX
ni Jun Nardo
SASABAK uli sa politika si Aiko Melendez. Kongresista ang tatakbuhan niyang posisyon sa District 5 ng Quezon City next year.
Kaya naman ratsada sa trabaho muna si Aiko bago simulan ang pag-iikot sa QC. Isa siya sa bida sa trilogy horror-thriller na Huwag Kang Lalabas.
By August ay simula na siya sa Book 2 ng Prima Donnas ng Kapuso Network.
Inayos na rin ni Aiko ang kanyang website para sa kanyang Ping Me Up Store pero pre-loved items ng mga kaibigan ang ibebenta niya sa shopping site niya.