Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tina at Sheryl nasira ang friendship

Rated R
ni Rommel Gonzales

TUNGHAYAN
ang kakaibang kuwento ng isang aswang na nagpapanggap na albularyo para sa kanyang kaibigan sa episode ng drama anthology na Magpakailanman na pinamagatang Kaibigan sa Umaga, Aswang sa Gabi sa Sabado, June 19.
Dahil nangangamba sa kaligtasan ng kanyang pamilya matapos ang pag-atake ng isang aswang, humingi ng tulong si Arlyn (Tina Paner) sa albularyong si Glorie (Sheryl Cruz). Hindi nagtagal, naging malapit sila sa isa’t isa.
Hanggang isang araw ay nabalitaan ni Arlyn ang kagustuhan ng mga tao sa kanilang barangay na palayasin si Glorie. Pinatay daw kasi ni Glorie ang ipinagbubuntis ng kinakasama ng ex-boyfriend niya. Matapos magpaliwanag ni Glorie na hindi siya kagaya ng ibang aswang ay pinatawad din ni Arlyn ang kaibigan.
Sa pag-uwi ng asawa ni Arlyn ay pinagbawalan na nitong magkita pa ang dalawa. Kasabay nito ay nalaman din ni Glorie na niloko siya ulit ng kanyang kinakasama.
Matapos mawalan ng kaibigan at minamahal, magbabalik-loob na nga ba sa kadiliman si Glorie?
Abangan ang naiibang kuwento ng pagkakaibigan nina Glorie at Arlyn sa fresh episode ng Magpakailanman sa Sabado, 8:00 p.m., sa GMA-7.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …