Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beauty Gonzalez Pokwang
Beauty Gonzalez Pokwang

Pokwang at Beauty Gonzalez parehong kapwa kapuso na (Babu na sa Kapamilya network!)

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

FINALLY ay natuloy na rin sa GMA 7 si Beauty Gonzalez. Three years ago ay pipirma na dapat ng kontrata sa Kapuso si Beauty pero hindi ito natuloy dahil bigla siyang tinawagan ng Dreamscape Entertainment para sa teleseryeng “Kadenang Ginto.”

At blessing in disguise ang pagkakatanggap ni Beauty sa nasabing project dahil nakilala nang husto ang character sa KG bilang si Romina Andrada.

Ito ang nagpatingkad lalo sa pangalan ng actress at nagkaroon pa ng project sa TV 5 at ilang product endorsement. Pero sa kasalukuyang sitwasyon ng ABS-CBN, hindi lahat ng mga talent ng estasyon ay nabibigyan ng proyekto.

Beauty decided and her manager na tanggapin ang alok ng GMA, and as we heard ay isasama ang actress sa Book 2 ng Primadonnas. Isa pang malapit ng mag-sign up ng contract sa Kapuso o GMA Artists Center ay itong si Pokwang at ang nasabing talent arm ng Siyete ang hahawak sa career ng sikat na komedyante.

Samantala sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual kung gagawa man ng proyekto ang dalawang aktor sa GMA ay sila ay under kay Willie Revillame na balitang ang TV host-comedian ang producer ng kanilang shows rito.

Si Bea Alonzo naman ay inaantay lang ng bigwigs ng GMA kung tatanggapin ang offer nila sa sikat na actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …