Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tubig Queen isasabuhay ni Tekla

SA Sabado (May 15), tunghayan ang nakaaantig na kuwento ng pakikipagsapalaran ni Dodoy, ang Tubig Queen ng Cebu City, na gagampanan ni Kapuso comedian Romeo “Tekla” Librada sa Magpakailanman.

Mulat man sa kahirapan, likas na masiyahin at puno ng pag-asa si Dodoy na kilala hindi lang sa buong lungsod kundi pati na rin sa social media bilang ang nag-iisang “Tubig Queen” ng Cebu.

Nais makapagtapos ni Dodoy kaya’t masigasig siyang tumulong sa ina at ama sa paglalako ng tubig kahit sa murang edad. Dumanas siya ng pangungutya sa mga kamag-aral pero hindi siya nahiya dahil alam niyang walang makatutulong sa kanya kung hindi ang sarili.

Hindi naglaon ay sumikat si Dodoy sa mga parokyano dahil hinahaluan niya ng mga gimik katulad ng pagsusuot ng makukulay na costume ang kaniyang pagtitinda.

Dahil sa kaniyang pagsusumikap, nakapagtapos si Dodoy sa kolehiyo at pinarangalan din siya bilang isa sa mga outstanding youth ng kanilang lungsod.

Kilalanin ang kuwento ng isang batang hindi itinuring na hadlang ang kahirapan para makamit ang kanyang pangarap sa episode na Reyna ng Tubig: The Jay Kummer “Dodoy” Teberio Story sa Sabado, 8:00 p.m., sa Magpakailanman sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …