Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Celebrity couple hiwalay na; apelyido ni misis pinalitan na

IKINALUNGKOT ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang paghihiwalay ng kilalang celebrity couple na ito.

Hindi na maitago ang kanilang estado ngayon lalo pa nga at si (ex) misis ay nagpalit na ng pangalan sa kanyang Facebook account; dalaga na siyang muli!

Ang gamit na niya ngayon ay ang apelyido niya noong dalaga siya, hindi na ang apelyido ng kanyang mister.

Medyo matagal na silang may pinagdaRaanan pero katulad ng ibang mag-asawa na nagkakaproblema ay sinubukan muna nila na ayusin ang kanilang pagsasasama.

Kasi naman ay may mga anak sila at mga negosyo na hindi maaaring basta paghatian.

Pero sabi nga, kung hindi ukol ay hindi bubukol, kaya kapwa silang walang nagawa kundi ang maghiwalay ng landas.

Pareho silang hindi pa nagbibigay ng pahayag tungkol sa kung ano ang tunay na nangyari kaya hindi pa malinaw kung ano ang mga dahilan kung bakit sila naghiwalay matapos ang maraming taon nila bilang mag-asawa.

Basta ang sigurado, tuloy-tuloy pa rin ang mga negosyo nila, business partners sila ngayon at hindi tulad dati na magka-tandem sila palagi.

At ang maganda sa (dating) mag-asawa, kahit naghiwalay na sila ay nananatili silang magkaibigan. Sa katunayan, si mister ang isa sa mga unang bumati kay misis nang magdiwang ito ng kaarawan kamakailan. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …