Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ralph nabigyan ng memo dahil sa katabaan

BAGO pa man naging certified hunk, four years ago pala ay napadalhan na si Ralph Noriega ng “fat memo” ng GMA. Ito ay bago pa rin niya gawin ang Super Ma’am ni Marian Rivera. Ang memo ay paalala sa mga Kapuso star na napapabayaan ang timbang at tumataba.

“Opo napadalhan po ako. Na sinabihan po ako ng handler ko na kapag hindi ako pumayat, hindi na po nila ako bibigyan ng project,” kuwento ni Ralph.

Iyon ang naging motivation ni Ralph para magpapayat.

“So ang ginawa ko po, nag-gym po ako, nagpapayat po ako, nag-intermittent fasting po ako, hindi po siya diet fasting, nag-fasting po ako para mas mapabilis.

“Intermittent fasting, ‘di ba eight hours po tayong natutulog? Bale parang babaligtarin natin, ‘yung eight hours gagawin nating kain natin, sa isang araw eight hours lang tayong puwedeng kumain, for example 10:00 a.m. hanggang 6: 00 p.m., don ka lang kakain.

“Unlimited, kahit anong kainin mo puwede.

“Tapos kapag dumating ang 6:00 p.m., puwede na lang is tea, coffee and water. 

“Iyon  na lang ang puwede, bawal kang kumain ng kahit na ano.

“Nakakainit po siya ng ulo, pero kung titiyagain mo siya, effective po.

“Kasi po sobrang na-pressure po ako dahil tumaba nga po ako noon, eh.

“Sobrang nagpabaya po ako sa sarili ko noong panahon na ‘yun, nagbakasyon ako, nagkakain, iyon po.”

Umabot siya sa 190 lbs. noong mga panahon na iyon.

“Sobrang nagtyaga ako kasi gustong-gusto ko pong magkatrabaho and nami-miss ko na pong mag-acting talaga.

“Kasi naiintindihan ko po ang management kung bakit hindi nila ako mabigyan ng trabaho kasi ayaw nilang ilabas ako ng pangit ako, na mataba ako.

Tuloy-tuloy na ang pagda-diet at pagwo-workout ni Ralph dahil ayaw na niyang muling tumaba.

Sa ngayon, wala na siyang fats, puro muscle na, puwede na rin siyang maging endorser ng men’s underwear, pero papayag kaya si Ralph?

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …