TUMULOY pa rin ang
isang young actress sa
naka-schedule na trabaho kahit masama na ang nararamdaman.
Nang matapos ang trabaho, nagpa-swab test si young actress. Ang resulta ayon sa aming source, POSITIVE!
Nataranta ang mga close contact niya na karamihan daw ay make-up artists! Quarantine ang kasunod ng close contacts.
Wala pang post sa kanyang social media account ang young actress tungkol sa nangyari sa kanya.