Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Pinakamasuwerteng celeb Rosanna Roces, sunod-sunod ang project sa Viva

BAGO pa pumirma ng exclusive contract sa Viva si Rosanna Roces ay ginawa niya ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na pinagbibidahan ni AJ Raval kasama sina Alma Moreno, Maui Taylor, at Ara Mina and according to Rosanna nang ipalabas ito sa Vivamax, hanggang ngayon ay patuloy na napapanood, kumita ito ng over P100 million.
 
Kaya nangangarag ngayon ang director ng said blockbuster movie na si Darryl Yap dahil hindi lang part 2 ng Pornstar ang ipinagagawa sa kanya kundi hanggang part 3 ng pelikula na kasama pa rin sina Osang at iba pang original cast.
 
Happy and contented si Osang, dahil after niyang mag-sign up ng contract with Viva, nagkasunod-sunod na ang proyekto niya. Like Revirginized na comeback movie ng bestfriend niya ngayong si Sharon Cuneta. Mahaba ang role niya sa movie bilang kaibigan ni Shawie.
 
Then nariyan ang KAKA na launching movie ng seksing vlogger from Cebu na si Sunshine Guimary. Ang character na gagampanan niya ay midwife na nanay ni Kaka (Sunshine). Super riot daw ang sexy-comedy film nilang ito.
 
Ayon kay Osang, ang pangalan niya sa movie ay si Kamila Bataan a.k.a. Mama Kams. Lahi nila ay hindi nagka-cum, kundi magsasarili. Nanay niya rito ang mahusay na actress na si Gina Pareño at ka-join rin sa kanilang pelikula sina Ion Perez, Gerald Napoles, Giselle Sanchez at marami pang iba.
Idinirek ito ni GB San Pedro at showing na sa Vivamax this May 28. Ngayong taon ay may mga naka-line up pang malalaking project si Rosanna sa Viva na very thankful kay Boss Vic del Rosario at sa mga anak ng Viva produ na sina Sir Vincent at Ma’am Veronique del Rosario.
 
Patapos na rin pala ang hit Rantserye na sinamahan ni Osang na Kung Pwede Lang (KPL) na patok na patok sa viewers ng Vivamax. Kasama naman niya sa serye sina Dexter Doria, Dennis Padilla, Carlyn Ocampo, at iba pa.
 
 
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …