Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jak at Barbie regular ang video call kahit ‘di nagkikita ng personal

SPEAKING of Jak Roberto na isa sa mga artista sa Anak Saan Kami Nagkamali? episode ng Magpakailanman sa Sabado sa GMA, tinanong namin ito kung ano ang pinagkaabalahan nila ni Barbie Forteza during  quarantine para hindi ma-miss nang todo ang isa’t-isa?

“Regular po ‘yung video call namin. 

“Pagka-gising, pagkatapos kumain, bago matulog. Ganoon po. Tapos mine-message ko rin po siya kapag halimbawa, celebrations ng birthday ng dogs dito sa bahay,” at tumawa si Jak.

“Sinasabi ko sa kanya kaya updated naman po kami sa mga ginagawa namin.”

Isa sila sa mga ideal couple ng mga millennial, ano ang sikreto ng tatlong taong matagumpay nilang relasyon?

“Para sa amin po kasi, parang hindi namin pina­bibigat ‘yung isang bagay, eh. 

“For example, ‘yung the usual na, hindi naman maiiwasang mag-away. 

“Kung mayroon pong mga ganoong bagay, hindi namin pinalalampas na umabot pa kinabukasan.

“Kung sa tingin namin mali naman kami sa isa’t isa, mayroong isang magso-sorry tapos magso-sorry na rin ‘yung isa. 

“Kumbaga parang ano na lang eh, especially ‘yung communication, mahalaga po talaga lalo na ngayon na nagkaroon ng lockdown marami ‘yung nag-break sabi nila.

“For me hindi ko ma-gets kasi ang importante lang naman ‘yung communication eh, and ‘yung trust sa isa’t isa. 

“So kung iyon ‘yung mawawala feeling ko iyon talaga ‘yung magiging dahilan ng paghihiwalay kasi siyempre una mawawala ‘yung trust.

“Pangalawa mapapraning ‘yung partner mo,” at tumawa si Jak. “Feeling ko iyon ‘yung dalawang mahalaga ngayong new normal, ‘di ba, since bawal tayong bumisita dahil nga minsan nagkakaroon tayo ng contact sa ibang tao na hindi natin alam kung carrier, ‘di ba?

“Para maging safe mas maganda ‘yung bahay ka lang muna kung hindi rin naman napaka-importante ang ilalabas mo ng bahay.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …