Masayang ibinalita ng Fil-Am recording artist at online TV host na si JC Garcia sa kanyang Facebook account ang mainit na pagtanggap sa kanya ng viewers worldwide ng KUMU, isang popular Pinoy community App.
Ayon sa post ni JC, last 2019 pa siya member ng KUMU pero now (May 5) lang siya nag-try mag-live nang walang expectations kung may manonood sa kanya.
So no’ng ini-turn-on niya ang camera ng kanyang cellphone at nag-umpisang kumanta ng Open Arms na sinundan niya ng Faithfully, Help ni Tina Turner at lahat ng hits ni Bryan Adams ay kinanta ni JC. Tapos after 30
minutes pag-check niya ay maytoon agad siyang 4,657 likes at nakakuha pa ng 200 Diamonds mula
sa mga viewers niya, na nagkagusto sa kanyang performance.
“Dito sa Facebook, sa live singing ko ay 25,710 likes lang tapos magko-complain pa ‘yun. I think, I will stay in KUMU,” say ni JC.
For us, right decision o right career move. Kasi nasa KUMU ‘yung audience niya at kapag regular siyang mapapanood na kumakanta nang live ay puwede siyang umani ng thousands o millions of views and likes at puwede rin siyang kumita sa platform na ito.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma
Check Also
Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA
RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …
Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen
I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …
JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko
I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …
Dating sexy male star napeke ni aktres
ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …
Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis
HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …