ISA si Thea Tolentino sa
mga artistang mapapalad dahil
kahit may pandemya, hindi siya nawawalan ng trabaho.
Nitong Marso natapos ang The Lost Recipe nila nina Mikee Quintos, Kelvin Miranda, at Paul Salas at heto kasali na naman siya sa upcoming series ng GMA na Las Hermanas.
At habang ang ibang artista ay ayaw lumabas para mag-taping o shooting, si Thea ay walang takot sumalang sa mga lock in taping.
Paano siya nakumbinsi na magtrabaho sa kasagsagan ng pandemya ng COVID-19?
“I’m really grateful na since simula ng career ko sa showbiz, sunod-sunod ‘yung projects ko, so nasanay ako na may nilalabasan ako ng craft ko, nae-express ko ‘yung sarili ko.
“Noong nagkaroon ng pandemic, ang hirap na ikaw lahat gagawa, may mga audition through Zoom, ang hirap.
“Noong ibinigay sa akin ‘yung ‘The Lost Recipe,’ sobrang excited ako kasi kakaiba ‘yung story plus ang tagal kong hindi nagtrabaho for TV and doing something that you love really helps kahit may pandemic,” pahayag ng Kapuso actress.
Isa lang ang nasa isip palagi ni Thea pagdating sa pagtatrabaho. ”Mag-iingat ako, pero gagawin ko.”
May payo si Thea para sa mga millennial na kagaya niya ngayong panahon ng pandemya.
“Don’t be too hard on yourself.
“Okay lang kung nafi-feel mo na lost ka kasi lahat naman pinagdaraanan ‘yun ngayon.
“Better days are coming, dala lang talaga ito ng pandemic dahil masyado tayong nakukulong sa bahay and siguro ‘yung extrovert side of us wants to do activities na mas malaki sa mga nagagawa natin ngayon sa bahay lang.
“Focus lang sa present muna, bawasan muna natin as much as possible ang mag-overthink, huwag tayong masyadong mag-concentrate sa negative energy,” sinabi pa ni Thea.
Rated R
ni Rommel Gonzales