HINDI lamang ang pisikal na kalusugan natin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19, maging ang ating isipan o mental health ay naaapektuhan ng matinding salot na pinagdaraanan natin ngayon.
Hindi rin ligtas sa ganitong panganib ang mga artista na tulad ni Thea Tolentino, kaya naman kanya-kanya tayong diskarte kung paaano pananatilihing malusog ang ating isipan at damdamin.
Si Thea, ano ang ginagawa para huwag masira ang katinuan sa gitna ng nakababaliw na pandemya?
“Ngayong panahon ng pandemic, I found new hobbies: cooking and painting.
“Nakakalma ako pag nagpe-paint ako and dahil everyday ko siyang ginagawa, parang hinahanap na siya ng katawan ko and it takes my mind off any problems.”
Nakahanap din ng kasiyahan si Thea sa pagluluto.
“Sa pagluluto, masaya siya kasi hindi lang sarili mo ang napapasaya mo kundi nakatutulong na nakikita kong happy ‘yung mga taong ipinagluluto ko.
“Physically naman, mahirap i-maintain ang weight ngayong pandemic. Nakahanap din ako ng way para i-enjoy pa rin, nagba-bike kami ng family ko around here. Siguro, through activities na may bonding din ako with my family.”
Matapang na hinarap ni Thea ang dinanas niyang anxiety attack nitong nakaraang taon dahil sa pandemic.
“Naghanap ako ng way na mai-express ko ‘yung sarili ko and I found that with painting.
“At kumuha ako ng pusa. Sabi nila, nakatutulong nga ‘yung pets.
“And ako, matagal ko na talagang gusto ng pusa, sumakto na may nahanap ‘yung friend ko and I adopted my cat, si Blair.”
Isa rin Thea sa magigiting na Kapuso na kahit may panganib na nakaamba sa tuwing lalabas ng bahay ay buong tapang na nagtatrabaho sa pamamagitan ng lock in taping. Kasama si Thea sa bagong programa ng GMA, ang Las Hermanas.
“Sa Las Hermanas, ako si Minnie, isang college graduate na nag-major sa writing.
“Nae-express niya ‘yung sarili niya through her poems. Mayroon siyang middle child syndrome and mahina ‘yung loob niya, which is a challenge for me kasi ‘yung roles ko madalas ay strong characters.
“I’m trying to work on that. Si Minnie kasi maunawain siya to the point na nagpapalamon siya sa mga emosyon niya.
“Dahil sa pandemic, nae-experience ko siguro ‘yung mga na-experience ni Minnie. Nakatatakot na puntahan ‘yung mga emosyon niya, binabasa ko pa lang ‘yung script, medyo parehas siya sa mga anxiety na nakukuha ko ngayon,” pahayag pa ni Thea.
Rated R
ni Rommel Gonzales