Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

RR Enriquez, pagbebenta ng coffee online nagging fallback ngayong pandemic (Dating Kapamilya sexy comedienne TV host)

EARLY 2000 nang sumikat ang pangalan ni RR Enriquez na maganda at seksing co-host noon ni Willie Revillame sa WOWOWEE sa ABS-CBN. Kasama rin si RR sa top rating gag show na Banana Sundae at in fairness dahil may talent sa pagpapatawa at hosting ay naging in demand star noon ang nasabing sexy star na nag-venture sa Skin Clinic business na Rejuva.
 
Okay ang takbo ng negosyo ni RR na nakapagpatayo pa ng isang branch sa Cavite, at restaurant sa Pampanga. Pero nang magkaroon ng pandemya dahil sa CoVid-19 hayun nag-decide ang dating Kapamilya star na isara ang mga negosyo dahil malulugi lang siya kapag ipinagpatuloy niya.
 
Pero dahil madiskarte talaga itong si RR ay nag-isip siya ng negosyong puwede niyang ibenta sa panahon na pandemya. At dito ipinanganak ang kanyang Cryolipo Coffee at ang katatapos i-launch na Cryolipo Milk Tea na.
 
Ayon kay RR, dahil kasama sa essential ang coffee, ito agad ang naisip niyang gawing business. Nag-umpisa lang daw siya sa 5,000 boxes pero ngayon ay 100 of thousands na ang naibebenta nila via online. Malakas na rin daw ang sales ng kaniyang Cryolipo Milk Tea.
 
Nang tanungin kung babalik pa ba siya sa showbiz? Kung may offer raw pero sa ngayon ay nagko-concentrate siya sa kaniyang negosyo katuwang ang gay sister na si Melissa Enriquez na sikat raw sa social media.
 
Happy rin ang lovelife ni RR sa piling ng longtime basketer partner na si JJ Helterbrand.
 
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …