Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora gaganap na isang caregiver sa MPK

NAPAKAGANDANG oportunidad para sa isang caregiver na makarating ng ibang bansa at kumita ng mas malaki pero paano kung sa kanyang pag-alis, bigla namang magkasakit ang kanyang asawa at maligaw ng landas ang kanyang anak?

Ngayong Sabado, panoorin natin ang nakaaantig na kuwento ni Nancy – isang asawa at ina na isinakripisyo ang lahat para maalagaan lamang ang pinakamamahal n’yang asawa at mailigtas sa masamang bisyo ang kanyang anak.

Simple at masaya ang buhay ng mag-asawang Nancy at Tony. Masipag silang magtrabaho dahil gusto nila ay makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Subalit, isang matinding pagsubok ang dumating sa kanilang buhay. Inatake sa puso si Tony at naospital. Naibenta nila ang kanilang mga jeepney at puwesto sa negosyo para lamang matugunan ang gastusin ni Tony sa pagpapagamot. Nahinto rin sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Dahil dito, nagrebelde ang kanilang anak na si Jona. Nalulong sa droga, alak, at nabuntis pa ng isang adik.

Ngayong Sabado, tunghayan natin sa MagpakailanmanAng Sakripisyong Isang Ina: The Nancy Cañares story.

Itinatampok ang nag-iisang Superstar, Nora Aunor, sa kanyang natatangi at mahusay na pagganap bilang Nancy. Kasama rin sina Ricky Davao, Diva Montelaba, Angeli Bayani, Chlaui Malayao, Rexcy Evert, Mannix Mannix, Roy Sotero, Cathy Remperas, at Enrico Reyes.

Sa ilalim ng premyadong direksiyon ni Maryo J. delos Reyes DGPI, mula sa panulat ni Vienuel Laviña Ello at pananaliksik ni Karen P. Lustica.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …