Thursday , September 12 2024

20 ‘sugarol,’ 2 arestado (Habang nasa MECQ, sugal ginawang libangan)

PINAGDADAMPOT ang 20 katao na ginawang pampalipas oras ang pagsusugal habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang 20 suspek sa ikinasang magkakahiwalay na anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng Marilao MPS, San Jose Del Monte CPS, at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC).

Naaktohan sa ilegal na sabong o tupada ang walo sa kanila na kinilalang sina Nestor Flor, Chavit Capili, Bernard Madrid, Domingo Soriao, Samuel Santiago, Leonardo Escropolo, Melvin Rosialda, at Nestor Linga, pawang residente ng lungsod ng Caloocan ngunit dumayo sa Bulacan para magpatupada.

Nakompiska mula sa mga suspek ang mga manok na panabong, tari, at bet money na halagang P2,200.

Samantala, arestado nang mahuli sa aktong naglalaro ng pusoy ang apat na suspek na kinilalang sina Angel Senita, Rachel Nunez, Marlyn Eder, at Vilma Mallari, pawang mga residente ng Brgy. Loma de Gato, bayan ng Marilao, sa nabanggit na lalawigan.

Nasamsam mula sa kanila ang isang set ng baraha, at cash money na halagang P850.

Naaktohang nag­susugal ng color games ang mga suspek na sina Sergio Bautista ng Cacarong Bata, Pandi; Jimboy Sabal; Ricardo Toledo; Jonathan Tapiador; Joselito Camactic; Cherry Ann Dela Torre; Jerico de Belen at Ricky Gumasing, mga residente sa lungsod ng San Jose del Monte.

Sinamsam ng mga awtoridad ang isang color game board, dice, at cash money na halagang P684.

Ayon sa isang nahuling suspek, sa panahong naka-MECQ ang Bulacan ay wala silang magawa kaya ang napagtutuunan nila ng pansin at pampalipas ng oras ay ang pagsusugal.

Sa kabilang banda, naaresto ang dalawang suspek sa ginawang paglabag sa batas sa mga bayan ng Angat at Sta.Maria, at sa lungsod ng San Jose del Monte.

Kinilala ang mga suspek na sina John Michael Cailo ng Brgy. Gaya-Gaya, SJDM na inaresto sa paglabag sa RA 8293 na inamyendahan ng PD 1865 (Trademark Infringement, Unfair Competition and Illegal Trading); at Eduardson Balderas ng Tambubong, Bocaue sa paglabag sa RA 7610 (Sexual Abuse).

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *