Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Ayuda’ sa estilong bayanihan muling pinatampok ng masang filipino sa community pantry (Nabagot sa aksiyon ng gobyerno)

MAGBIGAY ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan.

Gaya rin ng kasabihang “kapag kumuha nang sobra, tiyak na may mawawalan.”

Ito ang mga prinsipyong pumapatnubay sa laganap na ngayong community pantry sa buong bansa.

Matapos nating makita sa social media ang unang community pantry sa Maginhawa St., sa Quezon City, ‘wag kayong magtawa, talagang may naramdaman akong tubig sa mga mata.

Hindi ko alam kung dahil sa sobrang katuwaan o sobrang awa sa mga kababayan nating nawalan ng pagkakakitaan at sa araw-araw ay hindi alam kung saan kukunin ang isusubo sa kanilang bibig para malamanan ang sikmura.

Sa totoo lang, tama ang sinasabi ni Ana Patricia Non, nagsara man ang kanyang negosyo at may kakayahan man silang “mag-stay safe and stay at home” hindi nangangahulugan na makatutulog na sila nang matiwasay.

Maiisip mo sa gabi habang gumagawa ka ng tulog, paano nga ‘yung mga walang kakayahang manatili sa bahay para maging ligtas sa pandemya?! Nakakain kaya sila bago matulog o palilipasin ang magdamag at nananangan sa kasabihang: “ Tomorrow is another day.”

Kahit nasa loob ng bahay pero walang makain, tiyak na babagsak ang resistensiya at tatamaan ng sakit. At ito ang sitwasyong gustong-gusto ng CoVid-19. Kaya nga kapag tinamaan ang may comorbidities at ‘yung may mga edad na, hindi na sila nakaliligtas sa salot na virus.

Kaya isa tayo sa mga natutuwa sa inisyatiba ni AP Non.

Lalo na nang ‘mag-viral’ hindi lang virtually, kundi physically, ay nagtayo na rin ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa at sa inisyatiba ng mga indibidwal na naniniwalang dapat magtulungan ang lahat ng mamamayan sa mga inisyatibang gaya nito.

Iisa ang prinsipyong gumagabay: “Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan.”

May mga nagpahayag ng pagdududa na baka hindi masustina ang community pantry. Pero iisa lang ang tugon ni AP Non: “Tiwala lang po sa masa.”

And true enough, walang nagsasamantala. Kumukuha batay sa kanilang pangangailangan habang ang mga may kakayahan ay nag-aambag.

Nakaiiyak.

Nandito tayo sa panahong walang masulingan ang bawat isa. Maraming nawalan ng trabaho ang natataranta kung saan kukuha ng pagkain. Habang ang mayroon naman ay nagpa-panic buying.

Pero narito ang isang AP Non, nangahas. Hindi natakot na ipakita at gawin ang isang proyektong magbabalik sa tunay na diwa ng kulturang bayanihan ng mga Filipino.

Ang isa sa nagpaiyak sa atin dito, ‘yung inakala natin na ‘yung mga kapos ay magsasamantala dahil wala na silang maramdamang pagkalinga mula sa pamahalaan.

Pero nagkamali ako, dahil ipinakita nila na hindi sila naghangad nang labis sa kanilang pangangailangan.

Sabi nga ng mga batang 8os: “Nakaka-high talaga!” 

Iba ang pakiramdam!

Mismong ang manunulat na si Ninotchka Rosca ay nagsabing: “     You know, I have not even heard of a country — communist, socialist, much less capitalist — where, one fine day,  the citizens just upped and decided to feed whoever was hungry. And provide food to whoever needed it, no question asked.

Filipinos, you are absolutely unique. Glory to the Philippines!”

Sa kabila ng pandemya, ipinaramdam sa atin ng community pantry ang ‘euphoria.’

Sana lang, hindi ito sirain ng mga ‘elementong’ ang layunin ay sirain ang kabutihan sa puso ng bawat nilalang.

Nawa’y masustina ang inisyatibang ito patungo sa tagumpay ng sambayanan laban sa mga salot at pandemya.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *