Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cherie Gil, ibubugaw ang sariling anak sa #MPK

NGAYONG Sabado (April 17), kakaibang pagganap ang masasaksihan mula kina Cherie Gil at Gabbi Garcia sa nakaaantig na episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Dahil sa kahirapan at kagustuhang itaguyod ang pamilya, kakapit sa patalim si Magda (Cherie) at ibubugaw ang kanyang dalagitang anak na si Pia (Gabbi) sa iba’t ibang lalaki.

Susuwertehin sila sa pagdating ni Ramon (Leo Martinez), isang mayamang lalaki na mamahalin si Pia at sasagutin pa ang pag-aaral ng dalaga at mga kapatid niya. Sa kasamaang palad, magbubunga ang relasyon nina Pia at Ramon at hihikayatin ng lalaki na ipalaglag ang bata dahil may sarili na siyang pamilya.

Tutulad nga ba si Pia sa kanyang ina na kinayang ipahamak ang sariling anak?

Kasama rin sa episode sina Phytos Ramirez, Gilleth Sandico, Kenneth Paul Cruz, Lindsay De Vera, Sean Rose, Citadel Mariano, at Mimi Juareza.

Huwag palampasin ang natatanging pagganap nina Cherie at Gabbi sa episode na pinamagatang Ina Ko, Bugaw Ko ngayong Sabado, April 17, 8:00 p.m. sa #MPK.

(ROMMEL GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …