Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora Aunor tiniyak sa nag-aalalang Noranians wala siyang Covid (Kinompirma sa kanyang Instagram)

MAHAL ni Ms. Nora Aunor ang kanyang fans and supporters at concern siya sa kanila kaya nabahala siya nang mabalitaan na nag-aalala sila sa kanyang kalusugan.

Labis umanong nag-aalala ang Noranians, na baka hindi ligtas ang Superstar sa nananalasang pandemya dahil sa CoVid-19.

Kaya nang magkaroon ng panahon ay agad nag-live si Ate Guy sa kanyang Instagram at ibinalita sa lahat ang “good news.”

“Negative” po ang resulta nang magpa-swab test sila ni John Rendez at dalawa pang kasama sa condo sa Eastwood. Pare-pareho silang negative sa nakamamatay na CoVid-19..

Katunayan nitong nagdaang araw ng Linggo ay nagluto ng specialty niya si Ate Guy — ang Bicol express na ikinatuwa ng kanyang viewers.

Ito ang madalas lutuin ng superstar sa tuwing nagdadala siya ng pagkain sa set ng mga teleserye sa GMA-7, gaya ng kawawakas pa lang na “Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit.”

We heard na may follow-up project na si Ate Guy sa Kapuso, pero pinag-uusapan pa raw ito.

Nasa halos 30K na pala ang subscribers ni Ate Guy sa kanyang Nora Aunor official YouTube channel and counting ito at six months pa lang mula nang umpisahan ng singer-actress.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …