Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, nag-celebrate ng birthday with her family and fans

Ayon kay Ma’am Maribel Aunor, after Revirginized ay maraming naka-line up na project this year sa Viva ang birthday celebrant daughter na si Marion Aunor, ngayon ay alaga ng Viva Artists Agency.

Nang hingan namin si Ma’am Maribel ng update tungkol sa pervert driver ng Viva na nambastos kay Marion during the filming of their movie ay nag-aantay pa rin daw sila ng resulta sa imbestigasyon ng Viva.

Na-delay lang raw ito dahil nag-holy week at ECQ. Kapag nakikita nga raw ni Marion ang behind the scenes ng mga eksenang ginawa sa Revirginized (ini-upload ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram) na nagda-drive siya ng vintage van ay may trauma pa rin ang singer-actress daughter.

Ang hiling nila, sana ay matapos na at mabigyan ng action ang naturang driver na walang pinagkatandaan at hindi marunong rumespeto ng mga babae.

Samantala kahit may ECQ at pandemya, binigyan pa rin ng simpleng birthday celebration ni Ma’am Maribel and Ashley si Marion na touched sa mini pa-surprise ng kanyang Mommy at sissy.

Pinasalamatan rin ni pretty Marion ang lahat ng mga bumati at nakaaalala sa kanyang kaarawan na pinost niya sa kanyang IG.

“Thank you to everyone who made me special today (April 10). I appreciate each and everyone of you. Really needed some positivity with everything that has happened recently (as I’m sure we all do in one way or another).”

Pinasalamatan rin ng multi-awarded artist ang kanyang fans, “Thank you to the Marionnettes(@team_marionaunor & @official.marionettes) who sent in video greetings (and Tita @r.-lyneves who compiled them) I miss and love you guys! +@ss_shobey who organized the official Marionnettes FB Page (feel free to join if you want hehe).”

Marami rin ang nag-like at bumati kay Marion sa kanyang social media accounts. From all of us here in HATAW, many happy returns of the day Marion and more movies and teleserye theme songs to come.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …